AMA SALAMAT
Nagagalak ang puso
may pananalig sa Iyo
Sa isip diwa ikaw ang nagpupuno
Mga hiwaga't turo
lahat nanggagaling sa'Yo
Panlaban sa tuwing mayroong gumugulo
Kahit kami ay usigin
libung dusa man ang dumating
Sa awa Mo'y kakayanin
tagumpay ang kakamtin
Ama salamat tanging maiaalay
Salamat Ika'y laging gumagabay
Salamat at Ikaw ang aming Panginoon
Salamat at Iyong hinirang
Katwiran na kay lalim
Isang liwanag sa dilim
Sa amin ay kayamanang
di maihahambing
Ang himig at dalangin
Sana kami ay Iyong dinggin
sa paraiso Ikaw ay makapiling
Kahit kami ay usigin
libung dusa man ang dumating
Sa awa Mo'y kakayanin
tagumpay ang kakamtin
Ama salamat tanging maiaalay
Salamat Ika'y laging gumagabay
Salamat at Ikaw ang aming Panginoon
Salamat at Iyong hinirang
Kahit kami ay usigin
libung dusa man ang dumating
Sa awa Mo'y kakayanin
tagumpay ang kakamtin
Ama salamat tanging maiaalay
Salamat Ika'y laging gumagabay
Salamat at Ikaw ang aming Panginoon
Salamat at Iyong hinirang
Ama salamat tanging maiaalay
Salamat Ika'y laging gumagabay
Salamat at Ikaw ang aming Panginoon
Salamat at Iyong hinirang